Tuesday, August 6, 2013

Ako At Ang Aking Propesyon

~at gusto kong alalahanin ang dahilan kung bakit ba ako naging isang guro
kung bakit ko sinuong ang propesyong ito 
kung bakit ako gumigising ng maaga araw-araw
kung bakit mahalaga sakin ang pagtuturo...

--------------

noong ako'y bata pa madalas akong maglaro ng titser-titseran
at pinangarap ko ring maging isang abugado o guro
nung ako'y nasa hayskul na ay mas lalo
akong nagka interes sa pagiging guro
~dahil na rin siguro sa masama kong karanasan sa aking adviser noong ako'y nasa
3rd year hayskul...nasabi ko sa sarili ko na "magiging isang guro ako...
isang gurong hindi katulad mo."

noong ako'y mag aapply na para sa kursong BEED ay napag-alaman ko na
puno na raw ang kursong iyo at iminumungkahi ng ginoo na ako'y mag Public Administration na lamang muna
subalit ... ipinaglaban ko ang aking pangarap at pinagbigyan naman niya ako~
subalit sa BSED Filipino ako nakapag enrol.
Sa dalawang semestre ay maslaloko pang minahal ang propesyon na pinapangarap ko
mas lalo ko itong gustong makamit at napokus ako sakursong ito 
na ikinasama ng loob at ikinagalit ng aking ama...

..."Anak, bakit major in Filipino pa? Hindi ba't Filipino na tayo? Bakit kailangan 
pa natin yang pag-aralan? Bakit hindi ka na lamang mag major in English o Math kaya?"
hindi ko mapangatwiranan sa aking tatay ang mga dahilan kung bakit ko
gustong magturo mapa Filipino man o kahit ano mang asignatura...
pero dahilmasunuring anak ako...
kahit mahirap ay nag shift ako sa Biological Science.

Naging masaya ang aking mga karanasan sa kursong ito
marami akong natutunan, mga naging kaibigan at kung anu-ano pa
sa pag sapit ng aming ika-apat na taon ay kailangan na naming mag OJT (on the job training)
at dahil madalas na sa DNHS ang aming observation ay dun na rin kami nag ST (student teacher) 
para sa aming practicum kasama ang ilan sa aking mga kaklase at batch mate
bilang isang bagito ay ninais kong maging magaling sa harap ng mga mag-aaral ko
ninais kong matuto ang lahat ng aking estudyante
ninais ko na magbago ang lahat ng aking estudyante
~subalit natutunan ko na mahirap palang makamit ang mga iyon kapag isang hamak na ST ka lamang
at mahahawakan mo lang ang mga batang ito sa loob ng 2 buwan
lalo na kung nasanay na sila sa kanilang mga gawi
ibig kong sabihin...hindi mo sila nasimulan

nagturo ako ng 3rd yr chemistry sa mga pangkat na 1, 3, 7 at 10
at pinakamiserable ang sitwasyon ng mga bata sa pangkat 10
doon ako namulat sa katotohanan sa pampublikong paaralan~
~maliit na silid-aralan, maraming mag-aaral, mga hindi edukado-bastos kumbaga,
mainit at hindi sapat ang oras upang magturo at matuto ang mga mag-aaral, higit sa lahat halos ika-4 na bahagdan lamang sa mga batang iyon ang totoong nais na matuto :c
nakakalungkot ang reyalidad na ito...
...inaamin ko na ang bawat araw ay naging mahirap para sa akin
dahil sa kagustuhan kong abutin sila, pagmalasakitan sila at iparamdam na hindi sila kalat...
hindi sila patapon...kaya rin nilang matuto at makapagtapos hindi dahil ipinasa o pasang awa sila
kundi dahil alam nila... may alam sila at kaya nila
kaya hindi ako sumuko upang makuha ang loob ng bawat isang batang tinuturuan ko
kahit nasaktan akosa parehong  emosyunal at pisikal na aspeto ay tinapos ko ang buong 2 buwan na iyon
mga araw na masaya at malungkot 
may mga batang hindi ako pinapansin, hindi nakikinig, natutulog, sinusungitan at tinatarayan ako, inaasar ako, at sinusubok ang aking kakaalaman at kakayahan~
subalit pinilit ko...tinapos ko at ngayon ay masaya ako at nakilala ko sila
silang mga bata na nangangailangan ng atensyon
masaya ako sa karanasan ko sa mga mag-aaral ng hayskul subalit mayroon kulang...
"Hindi ako nararapat dito, hindi ako bagay dito at hindi ko dito gusto"

---------------
Habang hindi pa ako gumagradweyt ay nagpasya na akong magpasa ng mga
resume sa iba't-ibang pribadong paaralan sa aming lugar
naging masipag ako sa pag-aapply at 'di nagtagal ay may tumawag na sa akin
nakapag demo at interview ako at nagustuhan ako ng punong guro subalit hindi pala ako
pwede mag-turo sa paaralang ito dahil hindi ako katoliko~
kaya muli ay naghanap ako ng pribadong paaralang papasukan ko...

Natanggap ako sa isang malaking paaralan sa aming lugar 
at imbes na ilagay ako sa hayskul dahil yun ang aking kursong tinapos ay 
nilagay ako ng punong guro sa elementarya
kahit hindi ko alam ang aking gagawin, ay nagpasya akong tanggapin ang trabaho 
dahil sa paniniwala ko ay parehas lamang ito at kaya ko din naman itong gawin~
~walang ibang propesyon sakin kundi ang magturo
doon ay nagturo ako ng una at ikalawang baitang
nakakatuwa kasama ang mga bata
marami akong natutunan sa kanila at napamahal silang lahat sakin
dahil na rin sa malalambing sila~
subalit kahit mahal ko sila... hindi ko nagustuhan ang palakad
sa paaralan ng pamilyang may-ari nito kaya mas minarapat kong umalis at mag-apply
sa pampublikong paaralan matapos ng isang taon ng pagtuturo sa pribadong paaralang ito~

Naniniwala ako na ang pampublikong paaralan 
ay ang lugar na mas nangangailangan ng aking tulong at serbisyo...
--------------------

~at tungene ang haba na ng post na ito kaya paalam na sa uulitin
sa muling pagmumukmok ko at pagkawindang dahil tumatanda na ako
at may karapatan na akong mag munimuni sa aking buhay

No comments:

Post a Comment